Hello, ako si Jonah Mae Peñaflorida. 19 taong gulang, nakatira sa Purok II Maligaya Science city of Muñoz, Nueva Ecija. Pinanganak noong Octubre 10, 1991 sa bayan ng Cabanatuan, Nueva Ecija. Ang aking magulang ay sina Ireneo Peñaflorida at Mercedes Peñaflorida. Ang aking kapatid ay si Joan Marie Peñaflorida. Ang aking gustong gawin ay maging malaya at hindi pinagkukumpara sa iba. Noong baby pa ako napunta agad ako ng Bataan at doon na lumaki. Dito na rin nagsimula ang mga karanasan na hindi ko malilimutan.
Ako ay nagkinder sa isang barangay hall at sa Gabaldon. Sa Limay Elementary School naman ako nagsimula ng grade one hanggang nakapagtapos ng elementarya. Sa aking tita ako nakatira at lumaki, siya din ang aking taga pagalaga kapag sa school. Dapat sa Nueva Ecija na ako magaral ng High School ngunit sinagot na ng aking pinsan ang aking matrikula sa JRI sa Orion, Bataan. Kaya sa Jose Rizal Institute na ako nakapagtapos ng High School. Kung maraming kaibigan nung elementary mas lalong dumami noong ako ay nasa high school na. Mga nagmula sa iba't ibang lugar. Dito ko rin nakilala ang A.P teacher ko na si Ms. Lolita Vergara.
Nang nasa kolehiyo n ako napagdesisyonan ko na magaral sa CLSU o Central Luzon State University. Ang aking kukuhanin na kurso sana ay BSIT kung saan di rin ako nakuha dahil puno na. Kaya nang mag2nd year ako nagtest at naginterview ako sa College of Education at Major sa Social Studies hanggang sa kasalukuyan. Yan ako..................:)
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento